Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa

The Final Lessons: A Holy Week Plan

ARAW 2 NG 10

"Ang Pagsamba" Malugod na pagdating sa Semana Santa — ang araw na ito'y nagsisimula sa Linggo ng Palaspas at matututunan natin ang ikalawang aralin natin sa pagsunod kay Cristo (ang pinakauna ay ang paghahandog ng pinakamainam sa atin): ang pagsamba sa Kanya. Basahin ang Juan 12:12-19. Ang mga tao ay nagulat sa ginawa ni Jesus para kay Lazarus. Nakakawiling isipin na sa halip na hingin ng mga tao ang sarili nilang kagalingan, sila ay sumamba. Dahil sila'y namangha sa kanyang ginawa, ang tanging nagawa nila ay ang sumamba. Kung ikaw ay kasama ng grupo ng mga taong iyon, ano kaya ang magiging tugon mo? Palagay ko'y marami ang naroon subalit sila'y nakatalikod, habang nakataas ang kanilang mga iPhone upang makakuha ng perpektong "selfie" habang dumadaan si Jesus, at nakahanda na silang ipahayag ang kanilang pagkakita kay @JesuCristo na may nakalagay na #hosanna. Pagkatapos ay ire-refresh natin ang ating app ng ilang beses upang makita kung sino ang nag-like sa ating larawan na nakita natin si Jesus, at kung si Jesus ba mismo ay nag-like rin dahil itinag rin natin Siya. Nawala na ang kapayakan ni Jesus dahil sa kaguluhan sa media. Pinagtitibay ng ating kultura na ang malaking bahagi ng ating buhay, at oo, maging sa ating kaugnayan kay Jesus, ay tungkol sa atin. Naunawaan ito ng grupo ng mga taong ito. Ito nga ay tungkol kay Jesus. Ang "hosanna" ay isang uri ng pagpupuri, ngunit ito'y isa ring salita na nagsasabi tungkol sa kaligtasan, pagtulong o pagsagip—upang hingin ito o ipahayag na ito ay narito. Saan ka iniligtas ng Diyos noong nakaraan? Saan ka kinakailangang sagipin ng Diyos ngayon? Tapusin natin ito sa pamamagitan ng pag-awit ng isang bagong salin ng Hosanna. Habang ikaw ay umaawit, hayaan mong ang mga kataga nito ay maging panalangin mo. Habang inaawit mo ang mga kataga sa awit na Hosanna, isaisip mo kung saan ka kailangang iligtas ng Diyos. Habang umaawit ka ng Hosanna, hayaan mong ito ang maging panalangin ng pasasalamat mo habang inaalala mo kung saan ka Niya iniligtas na. Oo, Panginoon, hinihingi namin na, "Pagalingin mo ang aking puso at linisin mo ito. Buksan mo ang aking mga mata sa mga bagay na hindi nakikita. Ipakita mo sa akin kung paanong magmahal nang tulad ng pagmamahal mo sa akin. Durugin mo ang puso ko sa mga bagay na nakadudurog ng puso mo. Ang lahat ng kung sino ako ay para sa iyong Kaharian. Habang ako'y naglalakbay mula sa mundo patungo sa walang hanggan. Hosanna. Hosanna. Hosanna sa Kaitaasan."

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Final Lessons: A Holy Week Plan

Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?

More

Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com