Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa
"Pagkakanulo"
Ang pagkakanulo ay nakadudurog ng puso.
Naranasan mo na bang ikaw ay ipagkanulo? Paano ito nakaapekto sa iyo noon? Paano ito nakakaapekto sa iyo hanggang ngayon?
Sa Kanyang mga huling oras, naranasan ni Jesus ang dalawang magkahiwalay na dagok ng pagkakanulo.
Basahin ang Juan 13:21-30, 36-38.
Paanong nagkakatulad ang dalawang pangyayari? Paano sila nagkaiba?
Ang kaalaman na si Jesus ay ganap na tao at naranasan ang tunay na damdamin, sa palagay mo paano ito nakaapekto sa Kanya?
Sinasabi sa atin sa Mateo 27:3 na binayaran si Judas ng 30 pirasong pilak para kay Jesus. 30 pirasong pilak upang ganap na ipagbili Siya. Sinubukan niyang ibalik ang pera, subalit huli na ang lahat, si Jesus ay naihatid na sa mga may kapangyarihan.
Madaling mapasinghal kay Judas, dahil sa gulat na may isang taong magbebenta kay Jesus.
At paano naman si Pedro? Hindi pa ba sapat ang paglakad niya sa tubig (tingnan sa Mateo 14:22-32), at ang pagliligtas sa kanya nang siya'y lumubog, upang matamo ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit? Talaga bang ikakaila niya si Cristo na siyang naghugas ng kanyang mga paa kamakailan lamang?
Oo. May pagkakapareho tayo sa kanila.
Ngunit, may napakagandang balita para sa atin:
Basahin ang Roma 8:38-39.
Hindi mo kayang guluhin ito. Wala kang magagawa na makapagbabago ng Kanyang pagmamahal. Wala kang magagawa upang baguhin ang nagawa Niya para sa iyo. Wala kang magagawa upang ihiwalay ka sa Kanya.
Itong mga nagdaang araw, tayo'y nagkakaroon ng mga kahirapan sa ating pagiging magulang. Natagpuan natin ang ating mga sarili na nasa katapusan ng ating mga sarili, naghuhumiyaw sa Diyos upang tayo'y Kanyang akayin sa pinakamabisang pamamaraan ng pagiging magulang. Isang bagay na sinimulan kong gawin mga ilang linggo na ang nakakaraan ay ang pagdadagdag ng 2 tsokolateng hugis-puso sa kanilang mga baunan araw-araw. Siguradong may darating na mga suliranin sa paglabas ng bahay at pagpasok sa paaralan sa tamang oras; maraming pag-aalboroto at mga luha ang mangyayari. Bago pumasok sa paaralan, hinahawakan ko ang kamay ng anak kong babae, yumuyuko ako sa kanya at ibinubulong ko, "Anong ipinapaalala ng dalawang tsokolateng hugis-puso sa inyong baunan?" Alam na niya ngayon. Ngingiti siya ng kanyang pinakamatamis na ngiti na tunay ngang makakatunaw sa aking pusong-ina at sasabihin niya, "Na mahal mo ako at ng Daddy at wala akong gagawin na makakapagbago nito."
Hindi ko alam kung ano ang mga pagpili na ginawa mo o ang mga pagkakanulong naranasan mo, ngunit ito ang alam ko:
Na mahal ka ng iyong Ama at wala kang maaring gawin na makakapagbago nito.
Kapag ang pagkakanulo ng ibang tao ay nagbibigay pa rin ng kirot sa iyo, pakinggan ang "Blessings" ni Laura Story at hayaan mong ang mga kataga nito ang maging pag-alo sa mga sakit na iyong nararamdaman.
https://www.youtube.com/watch?v=JKPeoPiK9XE
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
More
Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com