Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa
"Pagkabuhay na Mag-uli"
Ngayong araw na ito, ipinagdiriwang natin na hindi lamang namatay sa krus si Jesus—Siya'y muling nabuhay! Ang tinatangka sanang maging kaparusahan at pagpapatahimik (ang kamatayan ni Jesus sa krus) ay siyang naging kalayaan natin dahil hindi Siya kayang pigilan ng kamatayan.
Basahin ang Juan 20:1-29.
Buhay Siya. Hindi Siya patay. Naisip mo rin ba na isa itong kabaliwan? Noong isang araw lang ay namatay Siya, nakabalot sa damit na pamburol at nakakulong sa isang libingan.
Dito nababago ang Cristianismo mula sa pagiging mabuting kuru-kuro mula sa isang magaling na guro—patungo sa isang pananampalatayang nakakapagpabago ng buhay. Kung ang buhay ni Jesus ay tungkol sa Kanyang pagtuturo, pagmamahal sa mga tao, at pagpapagaling sa mga maysakit, maaalala lamang Siya dahil sa mga bagay na iyon. Ngunit hindi iyan ang nangyari. Ang buong mundo ay nabago dahil hindi Siya nanatiling patay. Ang Kanyang sinabi at ang hula ng lahat ng mga propeta ay naging totoo at talagang totoo! Ang pagkabuhay na muli ni Jesus mula sa kamatayan ang pumuksa sa sumpa ng kasalanan para sa atin!
Para itong kabaliwan, hindi ba? Kung tayo'y mananangan sa ating sariling kakayanan, malamang ay hindi natin kayang maunawaan ito. Hinihimok tayo ni Pablo sa 1 Mga Taga-Corinto 2:5 na, "upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng Diyos at hindi sa karunungan ng tao."
Sa kaalamang pantao, ang pagkamatay ni Jesus sa krus, ang kanyang pagkabuhay na muli mula sa kamatayan, at ang kaligtasan ng buong sangkatauhan mula sa bigat ng kasalanan, ang lahat ng ito ay, kabaliwan. Ngunit ang Diyos. (Napakaganda ng mga salitang ito.) Ang ating Diyos ay hindi kung sino lamang na namatay sa krus, Siya'y si Jesus—ganap na Diyos at tao. Kung Siya'y tao lamang, ang Kanyang pagkamatay ay maituturing lang na pagkawala ng isang mabisang guro at tagapagtanggol ng mga dukha at maysakit.
Hindi lamang Siya ganap na tao, ganap na Diyos din Siya—ang sariling anak ng Diyos!
Ito ang siyang nagdaragdag ng kahulugan sa Linggo ng Pagkabuhay nang higit pa sa ating nakasanayan sa ating kultura. si Jesus ay namatay para sa iyo, subalit Siya'y nabuhay muli para sa iyo. Hindi lamang Niya binayaran ang kaparusahan para sa ating mga kasalanan, naparito Siya upang bigyan tayo ng bagong buhay!
Ito ang nagawa ni Cristo kung pipiliin nating maniwala sa Krus at sa hungkag na libingan: "Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago." (2 Mga Taga-Corinto 5:17)
Humanap ka ng panahon ngayong araw upang ipagdiwang, sa sarili mong paraan,
kung ano ang nagawa ni Jesus para sa iyo!
Ilan lamang ang mga awit na tunay na naglalaman ng kasaysayan ng Linggo ng Pagkabuhay ng higit pa sa awit na "Man of Sorrows" ng Hillsong:
https://www.youtube.com/watch?v=C6jXqdtZi10
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
More
Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com