Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa

The Final Lessons: A Holy Week Plan

ARAW 8 NG 10

"Ang Katahimikan" Ang araw na ito ay isang kakaibang araw na wala o halos walang nakatala kung ano ang mga naganap. Katahimikan. Natagpuan mo na ba ang sarili mong nalilito sa katahimikan ng Diyos? Hindi mo tiyak kung ano ang susunod Niyang pagkilos? Hindi ka nag-iisa. Ang paghihintay at ang pamamaraan ng Diyos ay madalas hindi agad nauunawaan sa sandaling ito. Pinagtitibay ito ng Isaias 55:8-9, "Ang sabi ni Yahweh, 'Ang aking kaisipa'y hindi ninyo kaisipan, ang inyong kaparaanan ay hindi ko kaparaanan. Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.'" Ang mga araw na iyon at ang mga detalye na hindi naisulat sa Biblia ay laging nagpapataas sa aking kuryusidad. Ano ang ginagawa ng mga tao? Iniisip? Nararamdaman? Ngayong araw na ito, nais kong ilagay natin ang ating mga sarili sa lugar nila, isang Salmo na malamang ay alam nilang ating babasahin ngayon: Basahin ang Mga Awit 139. Ngayon, gumugol ng ilang panahon at hayaan mong saliksikin at makilala ka ng Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

The Final Lessons: A Holy Week Plan

Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?

More

Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com