Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa
"Alay"
Magumpisa tayo ngayon, isang araw bago ang Linggo ng Palaspas, kung kailan ang Mahal na Araw ay opisyal na magsisimula, dahil hindi natin maaaring laktawan kung saan tunay na nag-umpisa ang kuwento ng Muling Pagkabuhay. Ang maraming tao, at ang mga dahon ng palaspas ay lubhang madalas na natatabunan ang kuwento ni Maria at ang kanyang pagpapakasakit. Mag-umpisa tayo sa Sabado upang maging handa tayo sa Linggo ng Palaspas.Ngayon, magsisimula tayo sa isang mas hamak na lugar imbes na sa mga nagkakasiyahang mga tao. Magumpisa tayo sa isang lugar na magiging komportable tayo sa isang hapag kainan kasama ang mga kaibigan.
Basahin Juan 12: 1-8
Naaalala mo ba ang mga kaibigang ito ni Jesus? Kung hindi, kaunting impormasyon: Ang mga kapatid na babae ni Lazaro ay hindi masaya na nahuli si Jesus upang tulungan sila pagkatapos mabalitaan na si Lazaro ay malubha, kung kaya siya ay namatay. Nakita nating nanangis si Jesus (sa Juan 11:35 ay nagsasabi sa atin, "Tumangis si Jesus.") pagkatapos ay gumawa ng himala—Binuhay Niya si Lazaro mula sa mga patay!
Nalalaman ng mga kaibigang ito ang kamatayan, at ang pagkabuhay muli. Nakita ng mga kapatid na babae ni Lazaro na lumabas mula sa libingan na buhay (Juan 11:44). Nakita nilang ang imposible ay naging posible.
Sa hapunang ito makikita natin si Maria na may ginagawang hindi pangkaraniwan. Sa ika-3 taludtod mababasa natin "Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ito ng kanyang buhok."
Ang "mamahaling pabango" na ito ay hindi kagaya ng iyong mga pabango. Ang lahat ng mga komentaryo o pag-aaral ng Biblia na nabasa ko ay nagsasabi na ito ay nagkakahalaga ng isang taong sahod.
Isipin mo kung ano ang kahulugan ng isang buong taong sahod sa'yo. Ngayon, isipin mo ang pakiramdam na magbibigay ka ng tseke kay Jesus nang buong halagang iyon.
Ni hindi ko maapuhap sa aking isip. Malaking pagpupunyagi sa akin na ibigay sa Diyos ang 10% ikapu o 30 minuto ng aking umaga para makapiling Siya o sa pananambahan kapag Linggo kasama ng aking pamilya. Kung kaya, para ibigay ang isang buong taong halaga ng sahod. Hindi maaari. Hindi ko kayang maging ganoon.
Subalit dito nagumpisa ang kuwento ng Muling Pagkabuhay—sa isang babae, kaibigan ni Jesus, na nagbigay ng isang napakahalagang bagay (ang "purong nardo"), at nagpakumbaba sa pamamagitan ng paghuhugas sa paa ni Jesus gamit ang kanyang buhok. Naunawaan ni Maria ang lahat—Karapat-dapat kay Kristo ang ating lahat-lahat, ang ating pinakamahusay.
Bakit madalas nating ibigay sa Kanya ay tira-tirahan?
Tapusin ang araw na ito nang nakaluhod, kung kaya mo.
Buksan ang iyong mga kamay kay Jesus at ikumpisal ang mga bagay na hindi mo mapakawalan.
Hilingin ang pananampalatayang maging mapagbigay at mahina.
Humingi ng tapang na magbigay ng lampas sa alam mong kaya mo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
More
Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com