Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa

The Final Lessons: A Holy Week Plan

ARAW 3 NG 10

"Paglilingkod at Pagmamahal" Ako'y isang taong may kakatwang ugali ng pagiging sobrang maayos at ang pagkakaroon ng tatlong mga anak na babae na ang edad ay limang taon pababa ay talagang nakasira sa akin. Talagang hindi ako makahabol sa kanila sa pag-aayos at madalas ay nakakagulo ito ng isip ko. Noong isang araw ay binili ko ang karatulang ito na nagsasabing, "Pagpaumanhin ninyo ang kalat. Gumagawa ng mga alaala ang aking mga anak." Isinabit ko ito at nadaraanan ko ito ng 100 beses sa isang araw, at habang napapadaan ako sa nakakalat na mga Lego, mga labahin, mga damit, maruruming pinggan, mga malilinis na tuwalya na ilang araw ko nang dapat naitupi ay ibinubulong ko sa aking sarili, "Gumawa ka ng mga alaala, Becky. Gumawa ka ng mga alaala." Maaari akong maabala ng mga bagay na kailangan ayusin, na nakakalimutan ko ang pagmamahal. Ang babasahin para sa araw na ito ay nagdadala sa atin sa isang mesa kung saan si Jesus ay nagpalipas ng marami-rami ring mga araw, kasama ang mga taong nabasa natin na minahal niya at itinuring niyang sa Kanya. Basahin ang Juan 13:1-17 at pansinin ang kalooban ni Jesus para sa kanyang mga alagad. Si Jesus, ang Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas ng sangkatauhan, ay nagpakumbaba, at hinugasan ang 12 nangangamoy na mga paa. Subalit palagay ko'y hindi niya napansin ang dumi o ang amoy ng mga ito. Batid niya na ito na ang mga huling oras niya kasama ang mga taong minamahal niya at kinakailangang tumatak ang aral na ito sa mga alagad niya - hindi kakayanin ng simpleng mga salita lamang ang gagamitin niya sa pagkakataong ito. Kaya't ibinaba niya ang Kanyang sarili at pinahiran niya ang karumihan. Muling basahin ang Juan 13:15-17. Sino ang mga taong kailangan ninyong paglingkuran ( o dapat paglingkuran)? Mga kasamahan sa trabaho o mga kawani? Mga anak mo? Kasamahan sa silid o ang iyong asawa? Mga kaibigan? Mga kapit-bahay? Ano ang isang paraan kung paanong, sa isang matalinhagang pamamaraan, maaari mong hugasan ang kanilang mga paa ngayong linggo? O baka naman kailangan mong hugasan nang literal ang paa ng isang tao, sino kaya ito? Ngayon, basahin ang Juan 13:34-35. Ang paglilingkod sa isa't-isa ay ang pamamaraan kung paano nating minamahal ang isa't-isa. Sa katotohanan, ito ang pamamaraan kung paanong malalaman ng iba na tayo'y mga Cristiano. Alam ba ng ibang tao na ikaw ay isang Cristiano, na ikaw ay taga-sunod ni Jesus? Ang pamamaraan kung paanong ipinapakita ng ibang tao ang pagiging Cristiano sa "social media" ay tunay ngang nakakadurog ng puso. Nawala na ang ating layuning maglingkod at magmahal. Mas iniintindi pa natin kung paanong mahuhubog yaong mga hindi ipinapahayag na sumusunod sila kay Cristo at sa Kanyang wangis. Samantalang tayo'y tinawag upang maglingkod at magmahal, hindi pilitin ang ibang tao upang makiayon sa atin. Paanong sa pamamagitan ng paglilingkod at pagmamahal, sa halip na manghusga, ay makakapagbago kung paano mararanasan ng iba si Cristo? Tunay ngang nakapagpapalaya na malaman na hindi depende sa atin kung ang mundo ay mababago o maililigtas! Tayo'y tinawag lamang upang ipakumbaba ang ating mga sarili at piliing maglingkod at mahalin ang ibang tao.
Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

The Final Lessons: A Holy Week Plan

Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?

More

Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com