Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa
"Tulong"
May nakasama ka na bang tao na bilang na ang araw dito sa mundo? Ang bawat segundo, ang bawat pantig ay pinapahalagahan. Walang pwedeng laktawan. Hindi ito ang panahon upang tumudla sa hangin. Ang mga huling pamamaalam, mga mithiin, mga pagpapahayag, at mga tagubilin ay hindi mapanuksong pakikipagbulungan.
Batid na rin ni Jesus na oras na Niya (Juan 13:1) at ginagawa na ang lahat na maaaring gawin sa mga huling oras noon. Nangangalahati na tayo patungo sa Pasko ng Pagkabuhay, kaya't patuloy tayong sumandal at makinig sa Kanyang mga huling pananalita.
Basahin ang Lucas 14:15-31
Napakaganda nito. May isa nga lang problema: Ayokong humihingi ng tulong.
Ikaw rin ba? Ayos ba sa iyo kung humingi ka ng tulong? O kinikilabutan ka rin tulad ko?
Ang pagkakaroon ng mahinang kalooban upang aminin na kailangan mo ng tulong ay isa sa mga pinakamatapang na bagay na maaari mong gawin. Kapag natagpuan mong narating mo na ang katapusan ng sarili mo, ang pinakamatapang na magagawa mo ay ang hayaan ang Banal na Espiritu na tulungan ka.
Naranasan ko ang kapangyarihang ito noong nakaraang taon sa pamamaraang hindi ko maaarok. Noong buwan na nalaman kong ako'y buntis sa ikatlong anak ko ay ang buwan din kug saan ako'y humakbang at nagpasyang magsimula ng isang ministeryo. Lagpas-ulo ang naging kalagayan ko. Bilang isang tao na nasanay na siya ang gumagawa at isang taong nasanay na higit pa sa kinakailangan ang nagagawa, at ngayon ay halos hindi makaabot sa kinakailangang abutin, ay isang bagay na nagpababa ng loob ko. Gayon pa man, tinanggap sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang aking payak na handog at ito'y kanyang pinarami. (Sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian.)
May naranasan ka na bang panahon kung saan nakatitiyak kang tinulungan ka ng Banal na Espiritu upang malagpasan mo ang isang sitwasyon?
May mga nararanasan ka ba ngayon kung saan kinakailangan mo ang tulong ng Dakilang Taga-tulong?
Humingi ka ng tulong sa Kanya. Magkaroon ka ng mababang kalooban.
Dalawang bagay ang talagang nakatulong ng malaki sa akin nitong nakaraang isa't kalahating taon. Madalas kong sinasabi ang bersikulong ito nang malaks:
"'Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.' Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma'y mahina, kutyain, pahirapan, usigin at magtiis. Sapagkat kung kailan ako lalong mahina, saka naman ako nagiging malakas." 2 Mga Taga-Corinto 12:9-10
At inaawit ko ang kantang ito mula sa Bethel Music. Nawa'y maging awit mo rin ito ngayong araw na ito—
Panoorin ang "You Make Me Brave" ni Amanda Cook at ng Bethel Music
https://www.youtube.com/watch?v=6Hi-VMxT6fc
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
More
Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com