Ang mga Huling Aralin: Isang Gabay para sa Semana SantaHalimbawa
"Ang Kamatayan"
Lagi kong naiisip na kakatwa na tinatawag ang araw na ito na Biyernes Santo o Mabuting Araw ng Biyernes. Niloloko ako lagi ng asawa ko dahil madalas kong napagpapalit ang Biyernes Santo at ang Itim na Biyernes, madalas na tinatawag kong Itim na Biyernes ang Biyernes Santo (dahil isang malungkot na araw ito), at ang Itim na Biyernes na Biyernes Santo (dahil napakaganda ng mga sale sa araw na ito). (Ha!)
Ang araw na ito—ang araw na itinutuon natin ang ating paningin sa pagkakapako kay Cristo ay isang araw na hindi natin sasabihing napakabuting araw. Alam kong ang Kanyang nagawa para sa atin sa araw na iyon ay mabuti, ngunit walang kapangyarihan ang Kanyang kamatayan kung wala ang Kanyang muling pagkabuhay. Kaya't para sa akin ang araw na ito ay tila baga madilim dahil sa pagluluksa—at ito'y kabaligtaran ng mabuti.
Kung ikaw ang tatanungin—anong mga damdamin ang napupukaw sa iyo kapag pinagmumuni-munian mo ang Krus?
Ang babasahin para sa araw na ito ay lubhang mahaba. Huwag paraanan lamang sa pagbabasa o kaya naman ay laktawan dahil sa ang salaysay ay tila alam mo na. Humingi ka ng paggabay sa Banal na Espiritu, ang iyong Lingkod, na iugnay ka sa kamatayan ni Cristo sa panibagong pamamaraan.
Basahin ang Juan 19:1-30.
Habang ito'y aking binabasa, narito ang ilan sa mga bagay na aking napuna tungkol sa mga tiniis ni Jesus: ipinahagupit ni Pilato, ang koronang tinik sa Kanyang ulo, ang mapangutyang balabal na kulay lila at ang mga hiyawan, ang pagpalo mula sa mga kamay ng mga sundalo, ang pagkapahiya sa harap ng madla, ang narinig Niyang mga sigaw na siya'y ipako sa krus, na natagpuan siyang inosente ni Pilato, ang pagtanggi niyang magsalita, ang pagsang-ayon sa lahat ng kapangyarihan ng Diyos, ang pag-upo sa luklukan ng kahatulan, ang lalo pang lumakas na sigawan upang Siya'y ipako sa Krus, at ang pagdadala sa Kanya sa pagkapako sa Krus. Binuhat ang sarili niyang krus, ipinako, inihabilin ang kanyang ina kay Juan, nauhaw, nakatanggap ng maasim na alak, nagwika, at namatay.
Madalas ay nakararamdam ako ng pagkamanhid sa pagkapako ni Cristo sa krus. Kahit saan ay makakakita ka ng krus. Isinusuot natin ito sa ating mga leeg at isinasabit sa ating mga dingding. Kung tayo'y lumaki sa iglesia, paulit-ulit nating naririnig ang kuwentong ito. Maski ang ating kultura na puspos na ng media ay nagagawang napakagandang biswal ang krus na tila hindi ito ganoon kadilim lalu na kapag iginuhit ito nang may mga lumiligid na mga burol at isang makinang na takipsilim sa likuran nito.
(Kung may oras ka pa, basahin ang mga salaysay sa ibang mga aklat ng Ebanghelyo upang mabuo mo ang pangyayari:
Mateo 27:1-56; Marcos 15:1-41; at Lucas 22:63-23:49.)
Sa araw na ito, hingin natin mula sa ating Lingkod na bigyan tayo ng bagong pananaw kung ano ang tiniis at nagawa ni Cristo nang araw na iyon.
Ilang daang taon bago ang araw na ito, isinulat ni propeta Isaias ang mga salitang ito tungkol kay Jesus at kung ano ang mga pagdadaanan Niya:
Basahin ang Isaias 53:4-12.
Bilang pagpapahayag ng papuri at pangako kay Jesus, awitin ito sa Kanya:
"Your Glory/ Nothing But the Blood" na inawit ng All Sons and Daughters
https://www.youtube.com/watch?v=eQssA0HKYxE
Tungkol sa Gabay na ito
Maghinay-hinay tayo ngayong Semana Santa at matuto mula sa mga huling araw ni Cristo sa mundo. Sa bawat araw, makakatanggap tayo ng mga aral o regalo na Kanyang pinaglaanan ng panahon upang ibigay. Kailangan mo ba ng bagong paalala kung ano ang pinakamahalaga kay Cristo—na mahalin mo ang Kanyang mga tagasunod at sundin Siya? Ano kaya ang gusto Niyang ituro sa iyo ngayong Semana Santa?
More
Nais naming pasalamatan si Becky Kiser ng Sacred Holidays sa pagkakaloob niya ng gabay na ito. Para sa dagdag pang impormasyon, bisitahin ang www.sacredholidays.com