Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa

Crazy Love With Francis Chan

ARAW 1 NG 7

“Tumigil sa Pagdarasal”

Paano kapag sinabi kong, “Tumigil ka sa pagdarasal”? Paano kapag sinabi ko sa iyo na tumigil ka muna sa pakikipag-usap sa Diyos, at sa halip ay tingnan mo Siya ng mahaba at malalim bago ka magbigkas ng isa pang salita? Binigyan tayo ng babala ni Solomon na huwag magpadalus-dalos sa presensya ng Diyos gamit ang mga salita. Iyon ay gawain ng mga hangal. At madalas, iyon ang ating ginagawa.

Ang matalinong tao ay lumalapit sa Diyos na walang binibigkas na kahit isang salita, at tahimik na namamangha sa Kanya. Tila itong isang gawaing walang patutunguhan, ang pagmasdan ang Diyos na hindi nakikita. Subalit sa aklat ng Mga Taga-Roma 1:20, sinasabi dito na mula pa nang likhain Niya ang mundo, nakikita natin ang kanyang mga “di nakikitang katangian” at “kabanalan”.

Halina't simulan natin ang babasahing gabay na ito sa pamamagitan ng tahimik na pagtitig sa Diyos. Magpatuloy lamang at panoorin ang video na ito.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Crazy Love With Francis Chan

Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

More

Malugod naming pinasasalamatan si David C Cook sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/crazy_love/