Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa

Crazy Love With Francis Chan

ARAW 2 NG 7

“Maaaring Hindi Mo Matapos Ang Kabanatang Ito"

Maaari kang mamatay bago mo pa man matapos basahin ito. Maaaring mamatay ako habang binabasa mo ito. Sa araw na ito. Sa anumang sandali.

Sa pangkaraniwang araw, nabubuhay tayo para sa ating sarili. Sa pangkaraniwang araw, hindi natin masyadong isinasaalang-alang ang Diyos. Sa pangkaraniwang araw, nakakalimutan natin na ating buhay ay tila tunay na isang singaw.

Naniniwala ka ba na maaari kang maglaho sa isang iglap? Na puwede kang mamatay ngayon din? O di kaya’y pakiramdam mo ay hindi ka natitinag?

Hindi ako nakaranas ng kahit na anong problema sa aking puso bago ako makaramdam ng palpitations sa puso, ilang taon lang ang nakakaraan. Dumadalas ito habang tumatagal, at nabahala ako dito.

Inaamin ko, alam ko kung ano ang naging problema. Ako ay nalubog at nadaig ng stress. Pasko noon, marami akong mga inaasikasong mga bagay-bagay.

Ngunit noong bisperas na ng Pasko, sobrang lumala ang nararamdaman ko sa aking puso at sinabihan ko ang asawa ko na kailangan ko nang pumunta ng ng emergency room pagkatapos ng church service. Habang nasa service, isina-Diyos ko na lang ang lahat ng inaalala at problema ko. Unti-unting nawala ang mga sintomas ng problema sa aking puso, at hindi na ako nagpunta sa doktor.

Noong ako ay linamon ng aking mga problema—nahirapan ako sa aking buhay, sa aking pamilya, at sa aking trabaho—napaniwala ako na ang mga pagkakataon ay mas mahalaga kaysa sa utos ng Diyos na palaging magbunyi. Sa madaling salita, akala ko ay mayroon akong “karapatang” hindi sundin ang Diyos dahil sa bigat ng aking mga tungkulin.

Nakikita ko ang sarili ko na paulit-ulit na inaaral ang nangyaring ito sa akin. Kahit na naramdaman ko ang kadakilaan ng Diyos, kinalimutan ko pa rin na ang buhay natin ay para sa Diyos at hindi para sa akin lamang.

* Gaano kadalas mo naiisip na ang iyong buhay ay panandalian lamang? Gaano nakatulong ang pagkatantong ito upang mabuhay ka ng mas bukas, mas mapagmahal, at mas nagtitiwala?

Panoorin ang video na ito at pag-isipan ang mga puntong tinalakay:

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Crazy Love With Francis Chan

Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

More

Malugod naming pinasasalamatan si David C Cook sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/crazy_love/