Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa
“Kapag ikaw ay umiibig”
May kilala ka bang sobra-sobrang iniibig si Jesus? Ako'y mayroong kilalang ganoon. Ang lola ng aking asawa na si Lola Clara.
Kada umaga, lumuluhod si Clara sa tabi ng kaniyang higaan at ginugugol ang kaniyang oras kasama ang kanyang Tagapagligtas at Iniibig; maya-maya lang ay masulyapan lamang ang lugar na iyon ng kanyang higaan ay maluluha siya ng ligaya at magkakaroon ng malalim na pag-asam sa susunod na umagang gugugulin niya sa pagluhod sa Kaniyang presensya.
Pinapakita ni Lola Clara sa Panginoon ang pinapakita natin sa ibang tao kapag tayo ay lubos na umiibig sa kanila.
Kapag ikaw ay tunay na umiibig, lahat ay susuungin mo para lamang makasama ang taong mahal mo. Buma-biyahe ka nang matagal para lamang kayo ay magkasama kahit isang saglit. Hindi mo iniintindi na mapuyat makausap lang siya. Ang paglalakad sa ilalim ng ulan ay nakakakilig at hindi nakakainis. Handa kang gumastos para sa taong kinakabaliwan mo. Kapag kayo ay malayo sa isa't isa, masakit para sa iyo, napakahirap. Siya lamang ang tangi mong iniisip; susuungin mo lahat ng pagkakataon para kayo’y magkasamang muli.
Sa aklat niya na pinamagatang “God is the Gospel”, si John Piper ay nagtatanong kung umiibig nga ba tayo sa Diyos:
“Ang mahalagang tanong para sa ating henerasyon—at sa lahat ng henerasyon—ay ito: Kung makapunta ka ng langit, na walang karamdaman, kasama lahat ng mga naging kaibigan mo dito sa mundo, lahat ng mga naging paborito mong pagkain, at lahat ng mga libangang nagdulot sa iyo ng saya, at lahat ng mga kagandahang iyong nakita, at lahat ng mga pisikal na kasiyahang natikman mo, at wala kang kagalit o walang mga natural na kalamidad, makukuntento ka ba sa langit, kapag wala si Jesus doon?”
Ilan sa inyo ang magbabasa ng mga salitang iyon at sasabihin na,“Alam mo, okay lang naman iyon”? Kapag ikaw ay malalim na umiibig sa Diyos kagaya ni Lola Clara, alam mong hindi ka makukuntento sa langit nang wala si Jesus.
* May kakilala ka bang lubos na umiibig sa Diyos? Kapag may pagkakataon, tawagan mo sila nagyon at pag-usapan niyo ang iyong relasyon sa Diyos at kung paano mo mapapalalim ang iyong pagmamahal sa ating Tagapagligtas.
Bago magtapos, panoorin ang video na ito at pag-isipan ang mga puntong tinalakay:
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.
More