Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa

Crazy Love With Francis Chan

ARAW 5 NG 7

“Pag-aalay ng mga Tira-tira sa Isang Banal na Diyos”

Sinasabi sa Santiago 2:19, “Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa.”Hindi hinahangan ng Diyos na magaling tayo sa teolohiya; ang gusto Niya ay kilalanin at mahalin natin Siya. Sinasabi sa atin sa 1 Juan 2:3-4, “Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang Kanyang mga utos. 4 “Ang nagsasabing, ‘Nakikilala ko siya,’ ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan.”

Tawagin mo akong nasisiraan na, ngunit sa tingin ko ang mga bersikulong iyon ay nangangahulugan na ang taong nagpapahayag na kilala ang Diyos ngunit hindi sinusunod ang Kanyang mga utos ay isang sinungaling, at ang katotohanan ay wala talaga sa kanya.

May mga taong nagsasabi na maaari tayong maging Cristiano na hindi kinakailangang maging alagad. Ang ipinagtataka ko, bakit ang huling sinabi ni Jesus ay makisalamuha tayo sa mundo, kumalap ng mga agalad sa lahat ng bansa, turuan silang sumunod sa lahat ng Kanyang kautusan? Mapapansin mo na hindi niya idinagdag, “Kung hindi mabigat para sa inyo, sabihin niyo sa kanila na maging Cristiano lang sila—iyong mga tipong tao na makakarating sa langit kahit walang ipinapangakong kahit ano.”

Ngayon, ayoko ng mga tunay na mananampalataya na pagdudahan ang kanilang pagkaligtas habang binabasa ang aklat na ito. Sa kabila ng ating nabigong pagtatangka na mahalin si Jesus, ang Kanyang biyaya ay sumasaklaw sa atin.

Bawat isa sa atin ay may mga maligamgam na sangkap at gawi sa buhay; sa ganyang kalagayan namumukadkad ang dakila at magarang biyaya ng Diyos. Malinaw na ipinapakita ng Banal na Kasulatan na may puwang para sa ating kabiguan at kasalanan sa ating paghangad para sa Diyos. Ang kanyang kaawaan ay bago sa bawat umaga (Mga Panaghoy 3). Ang kanyang biyaya ay sapat (2 Mga Taga-Corinto 12:9). Hindi ko sinasabi na kung nagkamali ka, ibig sabihin ay hindi ka kailanman naging isang tunay na Cristiano. Kung totoo man iyan, walang sinuman ang makaksunod kay Cristo.

* Nakikita mo ba ang mga bunga ng Cristianismo sa iyong sariling buhay? Ang pagmamahal ni Cristo, pagsunod sa kanyang mga mga utos? Kapag pakiramdam mo ay malakas ang iyong loob, magtanong sa kung sino mang nakakakilala sa iyo nang lubos kung ang iyong mga gawi ay sumasalamin kay Cristo at sa mga utos na Kanyang binigay.

Bago magwakas, panoorin ang video na ito at pag-isipan ang mga puntong natalakay:

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Crazy Love With Francis Chan

Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

More

Malugod naming pinasasalamatan si David C Cook sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/crazy_love/

Mga Kaugnay na Gabay