Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa

Crazy Love With Francis Chan

ARAW 4 NG 7

“Ang Profile ng Maligamgam”

Nailalarawan mo ba ang sarili mo na labis na nagmamahal kay Jesu-Cristo? O ang mga salitang walang sigla, maligamgam, at bahagya lamang na nakatuon ang mas naglalarawan sa iyo?

Sinasabi ng Biblia na subukan ang ating sarili, kaya't ibibigay ko sa iyo ang isang paglalarawan kung ano nga ba ang taong maligamgam. Habang binabasa mo ang mga halimbawang ito, hinihikayat kita na maghanap,tapat na pagtingin sa kung sino kayo ngayon, at kung paano kayo nabubuhay ngayon.

Maligamgam na tao:

  • Laging dumadalo sa simbahan. Inaasahan na ito sa kanila, naniniwala sila na ito ang ginagawa ng mga mabubuting Cristiano, kayat ginagawa rin nila.
  • Nagbibigay ng pera sa kawanggawa at sa simbahan… hangga't hindi ito nakakasagabal sa pamantayan ng pamumuhay nila. Kung mayroon silang kaunting sobra at ito ay madaling ibigay, ay ibibigay nila.
  • Ang pagnanais na makibagay sa loob at labas ng simbahan; mas inaalala nila kung ano ang iisipin ng tao sa kanilang mga ginagawa kaysa sa kung ano ang iisipin ng Diyos sa kanilang puso at pamumuhay.
  • Ayaw nilang maligtas sa kanilang mga kasalanan; gusto lamang nilang maligtas mula sa mga parusa ng kanilang mga kasalanan.
  • Nadadala sa kwento ng mga taong gumagawa ng mga radikal na bagay para kay Cristo, ngunit sila mismo ay walang ginagawa. Tinatawag ng mga maligamgam na tao na “radikal” kung ano ang inaasahan ni Jesus sa kanyang mga tagasunod.
  • Bihirang ibinabahagi ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga kapitbahay, katrabaho o mga kaibigan. Ayaw nilang matanggihan, o gustuhing maging di komportable ang mga tao sa pamamagitan ng pakikipag-usap tungkol sa mga pribadong isyu kagaya ng relihiyon.
  • Sinusukat nila ang kanilang moralidad o “kabutihan” sa pamamagitan ng pagkukumpara nila sa kanilang sarili sa sekular na mundo. Sapat na sa kanila kapag sila ay hindi kasing sama nung nakakakilabot na lalake doon sa kalye.
  • Sinasabi nilang mahal nila si Jesus, at bahagi Siya ng kanilang mga buhay. Ngunit bahagi lamang. Binibigayan Siya ng parte ng kanilang oras, pera, at mga saloobin, ngunit hindi Siya binibigyan ng pagkakataon ng kontrolin ang kanilang mga buhay.
  • Mahal nila ang Diyos, ngunit hindi nila mahal nang buong puso, kaluluwa, at lakas.
  • Mahal ang iba, ngunit hindi nang mas hihigit pa sa pagmamahal nila sa kanilang mga sarili.

* Ilan sa mga “maligamgam na katangian” na ito ang sumasalamin sa iyong pamumuhay? Magdasal sa Diyos na palambutin ang iyong puso, at pumili ng isang katangian na kailangan mong baguhin (at ipagdasal) sa linggong ito.

Bago magtapos, panoorin ang video na ito at pag-isipan ang mga puntong tinalakay:

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Crazy Love With Francis Chan

Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

More

Malugod naming pinasasalamatan si David C Cook sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/crazy_love/

Mga Kaugnay na Gabay