Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa
“Crazy Love”
Kapag nagbuhos ka na ng iyong oras sa simbahan, o narining mong ipinapahayag, sa anumang paraan, ang ideya na mahal tayo ng Diyos. Ang tanging problema lang sa akin ay isa itong konseptong itunuro sa akin, at hindi isang bagay na nagkataon lamang na alam kong totoo. Nasaulo ko ang pagmamahal ng Diyos ng ilang mga taon, ngunit hindi ko ito labis na naunawaan sa aking puso. Karamihan sa atin, sa ilang antas, ay nahihirapang unawain, paniwalaan, at tanggapin ang lubos at walang hanggang pagmamahal sa atin ng Diyos.
Mabuti na lamang para sa akin, nagkaroon ng malaking pagbabago ang relasyon ko sa Diyos noong ako mismo ay naging isang ama. Noong ipinanganak ang aking panganay na babae, unti-unti kong nakita na mali pala ang pananaw ko sa Diyos. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko, sa aking paniniwala, kung ano ang nararamdaman ng Diyos para sa atin. Lagi kong naiisip ang aking anak. Pinagdarasal ko siya habang siya ay natutulog. Pinapakita ko sa lahat ng nagtatanong tungkol sa kanya ang kaniyang litrato. Gusto kong ibigay ang buong mundo sa kanya.
Napakatindi ng aking pagmamahal para sa aking mga anak, at ito ang nagmulat sa akin kung gaano rin tayo minamahal at ninanais ng Diyos. Ang pagpapahayag ng pagmamahal sa akin ng aking anak at ang kanyang pagnanais na makasama ako ay ang pinakamagandang bagay. Wala nang maikukumpara pa sa pagnanais na makasama ka ng iyong mga anak.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, naunawaan ko na ang aking pagnanais para sa aking anak ay tila isang lamang mahinang aninag ng pagmamahal ng Diyos sa akin at sa lahat ng taong Kanyang linikha. Ako ay isa lamang makamundo at makasalanang ama, at mahal na mahal ko ang aking mga anak kaya't nasasaktan ako. Paano ko mapagkakatiwalaan ang isang makalangit at perpektong Ama na lubos na nagmamahal sa akin, higit pa man sa pagmamahal ko sa aking mga anak? Ano ang gagawin mo upang tulungan ang iyong sarili na ilipat ang ideyang ito mula sa iyong utak papunta sa iyong puso?
Bago magwakas, panoorin ang video na ito, at pag-isipan an ang mga puntong natalakay:
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.
More