Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Crazy Love kasama si Francis ChanHalimbawa

Crazy Love With Francis Chan

ARAW 7 NG 7

“Ang Iyong Pinakamagandang Buhay… Mamaya”

Sa ngayon, napagtanto mo na siguro na mayroon kang natatanging pagpipilian: hayaan mo na mangyari lang ang buhay, na para na ring sinasabi na ang iyong pagsisilbi sa Diyos ay tira-tira lamang, o aktibong tumungo kay Cristo.

Napapansin mo ba ang iyong kahangalan sa paghahanap ng mga katuparan na hiwalay sa Kanya? Naiintidihan mo ba na imposibleng malugod and Diyos sa kahit na anong paraan, maliban na lamang sa taos-pusong pagsuko sa Kanya? Nauunawaan mo ba ang kagandahan at lubos na kaligayahan ng paglalakad nang tunay na malapit sa Diyos, ang ating banal na Ama at Kaibigan? Gusto mo bang makita ang Diyos na higit pa sa iyong pag-aasam ng seguridad?

Marahil ay oo ang sagot mo sa mga katanungang ito ngunit nagtataka ka pa rin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito, kung ano ang mga alternatibo para sa hinaharap. Magbibigay ako ng isang halimbawa dito.

Paano magbabago ang iyong buhay kung ipagpapalagay na lahat ng taong makikilala mo ay si Cristo—yung taong nagmamaneho nang matagal sa harapan mo, yung checker sa grocery store na mas interesado pa ata sa pakikipagusap kaysa tingnan ang iyong mga kinuhang bilihin, yung miyembro ng pamilya mo na lagi mong nakakausap na hindi ka naiinis?

Sa Mateo 25, binasbasan ni Jesus ang ibang tao dahil sa kanilang mga nagawa. Bagama't nalilito, tinanong nila si Jesus, “Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?

Ang Kanyang sagot ay nakapagtataka: “Sasabihin ng Hari ‘Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.’”Ang ibig sabihin ni Jesus ay pinapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga natin sa mga mahihirap at sa mga nagdurusa. Inaasahan Niya tayong tratuhin ang mga mahihirap at mga gipit na para bang sila mismo ay si Cristo.

* Tinatrato mo ba ang mga taong nakakasalamuha mo araw-araw na para bang sila si Cristo? Naghahanap ka ba “ng hindi bababa”sa iyong sariling kapinsalaan? Paano mo sisimulang baguhin ang iyong puso at isipan upang makita ang mga pagkakataong ito upang ibahagi ang pagmamahal ni Kristo?

Bago magtapos, panoorin ang video na mas nagsusuri pa sa temang ito

Nasiyahan ka ba sa babasahing gabay na ito? Kung gayon, sumali na para mapanalunan ang librong ito dito

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Crazy Love With Francis Chan

Kinuha mula sa kanyang New York Times bestselling na aklat na pinamagatang "Crazy Love," masusing tinatalakay ni Francis Chan ang kamangha-manghang hibang na pag-ibig ng Diyos para sa atin, at kung ano ang angkop nating tugon sa gayong uri ng pag-ibig. Ngunit hindi siya humihinto roon, hinahamon niya tayo na pag-isipan ang kadakilaan ng Diyos at ang malaking kaibahan sa pagitan ng Kanyang walang hanggang kamahalan at ang ating pansamantalang buhay dito sa lupa.

More

Malugod naming pinasasalamatan si David C Cook sa pagbabahagi ng babasahing ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.dccpromo.com/crazy_love/