Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)

ARAW 1 NG 7

Ang maningning na mukha na nagpapahayag ng isang lihim

Kawikaan 15:13

Kapag ang tao ay masaya, nakangiti siya, ngunit kapag ang tao ay malungkot, mukha niya ay nakasimangot.

Ito ang kwento ng pagsisimula ng kumpanya ng pagmimina ng Anaconda.

Isang grupo ng mga tao na umaasang makahanap ng ginto ay naglakbay mula sa Bannock, Montana. Kinailangan nilang dumaan sa mga paghihirap: ang ilan sa kanilang mga kaibigan ay namatay sa daan, at natalo sila ng mga Indian at kinuha ang kanilang mahuhusay na kabayo. Pinanghinaan sila ng loob, hanggang nakahanap sila ng daan pabalik sa Bannock.

Habang naglalakad sila pauwi, isa sa kanila ay nakapulot ng maliit na bato sa ilog. Habang binabasag niya ang batong iyon gamit ang kanyang palakol, sinabi niya, "Baka may ginto dito." Nakakita sila ng ginto sa parehong ilog at napagtanto na makakakuha sila ng 50 dolyar - na malaking halaga na noong panahong iyon. Sa tuwa napasigaw sila ng "Mayaman na tayo!"

Pagbalik nila sa Bannock, nangako silang hindi magbabanggit ng anuman tungkol sa ginto, at tinupad nila ang pangakong iyon. Tahimik nilang inihandaang kanilang mga pangangailangan para sa susunod na paglalakbay. Subalit noong handa na silang maglakbay, 300 katao ang sumunod sa kanila. Sino ang nagsabi sa mga taong ito? Wala! Ang sumulat ng insidenteng ito ay nagpahayag na, "Ang kanilang mga maningning na mukha ang nagsiwalat ng kanilang lihim."

Pagninilay: Gaano man tayo katalinong magtago ng lihim tungkol sa kaligayahan, hindi natin ito maitatago; dahil ang ating masayang kalooban ay magdudulot ng kakaibang kilos at liwanag sa mata ng mga tao. Ang kakaibang kilos at liwanag na ito ay magdudulot upang magtaka at mag-masid ang mga tao sa paligid. Kung malalalaman lamang natin kung gaano tayo kahalaga sa Diyos makikita ito sa ating mga mukha. Makikita ng mga tao sa ating paligid ang kasiyahan ng ating puso sa ating maliwanag at masayang mukha at hindi natin ito maitatago. Maraming tao ang magtataka at magiging interesado malaman ang dahilang ng ating kaligayahan at iyon na ang pagkakataon nating magpatotoo tungkol sa kabutihan ng Diyos sa atin.

Ang kagalakan ay pamumuhay nang sagana, ang pag-apaw nito ay hindi malilimitahan sa isang tao lamang.

(Eugene Peterson)

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/