Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa
Ang Mayamang Binata At Ang Batang Lansangan
Ito ang aral na narinig ninyo nang sumampalataya kayo: Dapat tayong magmahalan.(1 John 3:11)
May isang mayamang binata na nakaranas ng sunud-sunod na kabiguan sa kanyang buhay na nagpaisip sa kanya na walang halaga ang buhay na para bang wala na siyang hinaharap. Habang papunta siya sa isang ilog kung saan niya balak wakasan ang kanyang buhay, isang batang kalye ang lumapit sa kanya at humingi ng pera para pambili ng tinapay. Ang binata, nang makitang mukhang gutom na gutom ang bata, ay nagsabi sa sarili, “Bibili ako ng masarap na pagkain para sa batang ito bago ako mamatay.”
Dinala niya ang batang lalaki sa isang masarap na restawran at nag-order ng pagkain na hindi pa niya nakita sa kanyang buhay. Nang makita ng binata ang batang kalye na nasiyahan sa kanyang pagkain, isang kakaibang saya ang pumasok sa kanyang puso. At pagkatapos ay naisip niya na kung magpakamatay siya, sa mga susunod na araw ay makararamdam muli ng gutom ang bata tulad ng dati.
Kaya't nagpasya siyang magpatuloy na mabuhay upang ang bata ay laging may sapat na pagkain. Nakahanap ng kaligayahan ang binata – dahil nahanap niya ang kahulugan ng kanyang buhay – ang tulungan ang isang nangangailangan.
Samakatuwid, ang sikreto ng kaligayahan ay hindi pag-aari, kasiyahan, gawain, o kaalaman, kundi pananampalataya sa Panginoon at ministeryo sa kapwa tao. Masusumpungan natin ang kagalakan kay Kristo sa dalawang bagay na ito. Kapag lumapit tayo sa Diyos sa panalangin, pag-aaral ng Bibliya, at paglilingkod sa iba, maaari tayong mapuno ng kagalakan ng Panginoon at maibahagi din ang kagalakang ito sa iba.
Pagninilay: Kung namumuhay ka sa mundong ito nang hindi mo alam kung ano ang layunin ng iyong buhay, ang ating buhay ay isang hungkag, at wala tayong makikitang dahilan upang patuloy na lumaban upang mabuhay. Samakatuwid, kailangan nating malaman ano ba ang layunin ng Diyos sa ating buhay sa mundong ito. At ang pinakadakilang layunin natin ay mahalin ang Diyos at ang ating kapwa.
Ang sikreto sa pagkakaroon ng kagalakan ay ibigay ang iyong buhay sa halip na subukang iligtas ito.
(Joyce Meyer)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/