Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa
ANG KAGALAKAN AY NAKAKAHAWA
Sapagkat ang kaharian ng Dios ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi tungkol sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa isaʼt isa, at kagalakan na mula sa Banal na Espiritu. (Roma 14:17)
Isinulat ni Millie J. White ang sumusunod:
Ilang taon na ang nakalilipas, naalala ko ang araw na kailangan kong pumunta sa bayan para gawing ang isang utos. Sumakay ako sa tram, na medyo puno ng karga. Mahaba ang mga upuan sa tram, kaya nagkakatinginan ang mga pasahero. Malungkot ang araw noon, at naisip ko na lahat ay pupunta sa trabaho, ngunit walang sinuman ang tila masaya.
Pagkatapos ay isang himala ang nangyari - isang babae ang sumakay sa tram habang hawak ang kanyang isang taong gulang na bata. Ang blonde-haired na bata ay ngumiti, patalon-talon at tumatawa – alam natin ang gawi ng isang bata sa ganoong estado! Pumalakpak siya, ngumiti, tumalon-talon. Agad siyang pinagtawanan ng lahat at sinamahan sa tuwa ang bata.
Ang kagalakan ay nakakahawa – at gaya ng isang lunas, ang lahat ay nagtawanan at nag-usap na parang matagal ng magkakaibigan. Sa wakas, isang matandang lalaki, na tila hindi kailanman ngumiti, ay bumaling sa aming lahat at nagsabi, "Mga kapatid, kanina mabigat ang damdamin ko, ngunit inaliw ako ng sanggol na ito." Kinawayan ng lalaki ang bata, at ang bata naman ay kumaway pabalik.
Ang pangyayaring iyon ay nagbibigay buhay at kahulugan sa mga salitang ito sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring ito, “At isang maliit na bata ang mangunguna sa kanila.” Isinulat ni Charles Dickens, "Mas mahirap makahawa ng moral kaysa sa pisikal."
Pagninilay: Halos lahat ng tao sa mundo ay may sandamakmak na problema na kanilang tinitiis araw-araw. Ang resulta nito ay isang madilim at matamlay na mundo. Dapat ipalaganap ng mga Kristiyano ang makalangit na kagalakan sa lahat. Gawing halimbawa, ang isang sanggol o isang bata na laging nagsasaya. Ang kanyang kagalakan ay pag-papala sa marami. Bilang mga Kristiyano, maging Kristiyano tayo na laging may kagalakan. Kung gagawin natin ito, mas malaki ang epekto nito para sa maraming tao dahil ang pinagmulan at dahilan ng ating kagalakan ay ang Diyos mismo.
Walang kagalakan ng buhay gaya ng galak ng pagbabahagi.
(Bill Graham)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/