Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa
HINDI KA MAPAPASAYA NG MUNDO
Ang taong may takot sa Panginoon ay may kasiguraduhan at siya ang kanlungan ng kanyang sambahayan. (Kawikaan 14:26)
Nang ang sikat na manlalaro ng golf na si Babe Didrikson Zaharias ay malapit ng mamatay sa cancer, ang kanyang asawa, si George Zaharias, ay lumapit sa kanyang higaan. Gusto man ng asawang magmukhang malakas para sa kanyang asawa, hindi niya napigilan ang kanyang emosyon at nagsimulang umiyak. Malumanay na sinabi ni Babe sa kanyang asawa, “Honey, noong nasa ospital ako, isang bagay ang napag-alaman ko. Ang isang sandali ng kaligayahan ay ang bawat oras ng ating buhay, at ako ay nagkaroon ng maraming kaligayahan."
Ang kaligayahan ay dumadaloy mula sa loob. Ang kaligayahan ay matatagpuan sa mga sandali ng buhay na may kalidad at hindi ang haba o dami nito. Ang kaligayahan ay umuusbong sa pinakamatinding trahedya ng buhay kapag pinili nating ngumiti sa alam nating mabuti at pangmatagalan kaysa iyakan ang alam nating pansamantalang makakasakit sa atin. Minsan ay sinabi ni George Bernard Shaw, "Ito ang tunay na kaligayahan sa buhay: ang magamit para sa isang layunin na napagtanto mong isang dakilang bagay...ang maging isang puwersa ng kalikasan sa halip na maging isang tumor ng makasariling karamdaman at kalungkutan, at pagrereklamo kung bakit ang mundo ay hindi nagdulot ng kaligayahan at saya sa atin.
Ang tanging taong makapagpapasaya sa iyo ay ang iyong sarili. Kailangan mong magpasya na maging masaya.
Pagninilay: Ang pinakamalaking makapagsasabi ng kaligayahan sa buhay ng tao ay ang matamasa natin ang bawat paghinga at manampalataya na ang pangangalaga ng Diyos ay palaging nasa atin. Kaya naman, kung alam natin na kaya nating gawin ang lahat ng mga bagay na ito araw-araw, samakatuwid ang bawat araw ay araw ng kaligayahan.
Ang kaligayahan ko ngayon ay hindi matutukoy sa mga pangyayari kundi sa aking hindi natitinag at walang hanggang relasyon sa Diyos .
(E. Stanley Jones)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/