Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)

ARAW 2 NG 7

Ngumiti Kapag Natalo Ka

Ezekiel 3:8

Pero gagawin kitang mas matigas at mas manhid kaysa sa kanila

Ang Indianapolis fast track ay isang sikat na track ng karera ng sasakyan sa mundo. Ito ang lugar kung saan ginaganap ang 500-milya na karera ng kotse bawat taon. Ang pagtakbo ng napakabilis sa 500 milya ay isang nakakapagod na pagsubok, bagay na magsisilang ng kwento ng mga bayani.

Ito ang kwento ni Ralph de Palma, na isang magaling na race car driver noong 1912. Malaki ang tsansa niyang manalo. Nang magsimula ang karera, nauna na siya sa mga kalaban. Pinangunahan niya ang laro sa halos limang milya bago ang finish line. Ang tagumpay at ang $35,000 na premyong pera ay malapit na.

Biglang may nangyari sa makina ng sasakyan niya. Lumapit ang mga mekaniko upang hanapin ang pinsala sa sasakyan ni Palma. Hindi ito dapat maging seryoso. Ito ay isang bagay na maaari nilang ayusin. Itinulak ni Palma at ng mga mekaniko ang kotse palabas ng race track para hindi ito makasagabal sa ibang sasakyan. Ngunit biglang may dumaan na sasakyan para kunin ang premyo na halos nasa kamay na ni Palma. Ito ay isang malaking pagkabigo.

Naiisip mo ba ang ginawa ni Palma? Tumingala siya at ngumiti sa karamihan. Isang ngiti sa gitna ng ganitong sitwasyon ay nagpakita na si Palma ay isang bayani higit sa lahat ng kanyang mga tagumpay. Kaya niyang ngumiti sa gitna ng pagkatalo.

Pagninilay: Ang taong kayang ngumiti sa panahon ng pagkatalo at hindi sinisisi ang sitwasyon ay higit pa sa isang panalo. Madalas nating sabihin na tayo ay higit pa sa mga mapagtagumpay sa Panginoon. Gayunpaman, kung gusto pa rin nating sisihin ang ating mga kalagayan bilang dahilan ng ating pagkatalo, at nahihirapan tayong magpasalamat at tanggapin ang mga mahirap nating kondisyon, hindi natin maaring sabihin na tayo ay higit pa sa mga mapag-tagumpay, Matuto tayong magpasalamat at magparaya.

Tuturuan ka ng Diyos ng tunay na kaligayahan sa gitna ng kalungkutan.

(Rick Warren)

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/