Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa
ANG PINAKAMALIGAYANG TAO SA MUNDO
Pupurihin ko kayo araw-araw, at itoʼy gagawin ko magpakailanman. (Awit 145:2)
Isang pahayagang Ingles ang minsang nagtanong sa mga mambabasa nito ng mga sumusunod na tanong, “Sino ang pinakamasayang tao sa mundo?”
Ang apat na sagot na nanalo ng mga premyo ay ang mga sumusunod:
• Isang batang lalaki na nagtatayo ng kastilyo mula sa buhangin
• Isang pintor o craftsman na sumipol para sa kanyang natapos na trabaho
• Isang ina na nagpapaligo sa kanyang sanggol pagkatapos ng isang abalang araw
• Isang doktor na katatapos lang ng mahirap at mapanganib na operasyon para iligtas ang kanyang pasyente
Nagulat ang editor ng pahayagan nang makitang walang sumagot ng hari, emperador, milyonaryo, o iba pang taong mayaman at nasa posisyon na maging pinakamaligayang tao sa mundo.
Minsan ay sinabi ni W. Beran Wolfe:
“Kung oobserbahan mo ang isang masayahing tao, mapapansin mo na ang mga taong ito ay yaong gumagawa ng bangka, nagsusulat ng kanta, nagtuturo sa kanyang anak, nagtanim ng mga dahlia sa kanyang hardin, o naghahanap ng mga itlog ng dinosaur sa Gobi Desert. Hindi niya hahanapin ang kaligayahan tulad ng isang butones ng kwelyo na nakalagay sa isang radiator. Hindi niya susubukang humanap ng kaligayahan na para bang ang kaligayahan ay isang mithiin. Mapapagtanto niya lang na masaya siya sa kanyang 24 na oras na buhay.
Pagninilay: Ang kaligayahan ay hindi isang mamahaling "bagay" o sitwasyon na mahirap makamtan. Kailangan lamang natin ay ang determinasyon para magpasalamat at mag-enjoy sa bawat sandali ng araw.
Mabuhay nang may layunin! Magsikap para sa kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan ng iyong puso!
(Joyce Meyer)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/