Hanapin Ang Kaligayahan Kay Kristo (Serye 1)Halimbawa
Ang Maligayang Tao Ay Ang Mga Taong Tumutulong Sa Kapwa
Gawin sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. Ganyan ang tamang pagsunod sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta. (Mat 7:12)
Si Bernard Rimland, isang direktor ng Institute for Research on Child Attitudes, ay nagsagawa ng pag-aaral sa prinsipyo ng Golden Rule. Nalaman ni Rimland na “Ang pinakamasayang tao ay ang mga taong tumutulong sa iba.” Ang lahat ng kasama sa imbestigasyon ay hiniling na ilista ang mga pangalan ng 10 tao na kilala nila upang matukoy kung sila ay maligayang tao o hindi. Binasa nilang muli ang listahan at tinutukoy ang bawat tao sa listahan kung kabilang sa makasarili o hindi makasarili, gamit ang sumusunod na kahulugan bilang depinisyon ng pagkamakasarili: isang matatag na ugali na itinatalaga ang oras at mga pag-aari para sa interes at kapakanan ng isang tao – ang hindi pagnanais na magkaroon ng problema para sa kapakanan ng iba.” Nang i-classify ang mga resulta ng pagsisiyasat, nalaman ni Rimland na ang mga taong binansagan bilang maligayang tao ay yaong mga binansagan din bilang hindi makasarili. Isinulat niya na ang mga “taong nakatuon lamang para sa pansariling kasiyahan… ay hindi gaanong masaya kumpara sa mga taong naghahangad na tulungan ang iba.” Nagtapos si Rimland, “Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin nila sa iyo.”
Pagninilay: Isang susi upang maranasan ang tunay na kaligayahan (matatagpuan natin ito kay Hesus) ay ang pagiging di-makasarili. Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Kung gusto mong tratuhin ka ng ganyan ng iba, gawin mo muna ito sa iba. Sa ganitong paraan, mararanasan mo ang makalangit na kagalakan na hindi kailanman makukuha ng iba.
Dumarating ang tunay na kagalakan kapag gumawa ka ng positibong pagbabago sa buhay ng ibang tao, tulungan mo silang makamit ang kanilang mga layunin at pangarap.
(Zig Ziglar)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/