Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 2 NG 10

Pakikitaglaban sa Kadiliman

Kuwento Biblia- Nasa bilangguan sila Pablo at Silas (Mga Gawa 16:16-31)

Hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao kundi sa diyablo at sa kaniyang mga pamunuan ng kadiliman. Gusto ng dyablo na magsanhi ng ‘di-pagkakaunawaan at ginagamit ang mga tao upang saktan ang isa’t-isa, pero kailangan nating tandaan na ang pakikipaglaban natin ay laging laban sa kanya! Ang ating mundo ay isang natisod na lugar, at bilang mga tao, kadalasan tayong nagkakasala sa isa’t-isa. Ngunit pagkatandaan na hindi dapat tayo nakikipag-away sa isa’t-isa, dahil tayo ay pwedeng mahulog sa mga bitag ng kaaway.

Mahal ng Diyos ang bawat isa, kahit nagkakamali tayo. Nagpapasalamat tayo sa habag ng Diyos sa ating sariling buhay kapag tayo ay nagkakamali, kaya kaliangang mahabag din tayo sa iba. Minsan, inililiko ng kaaway ang ating mga salita at gawa, kaya sobrang nagagalit tayo sa isa’t-isa. Gayun pa man, mahal ng Diyos ang bawat isa, at ganun din dapat tayo.

Sa kentong Bibilya ngayong araw mula sa aklat ng Mga gawa, si Pablo at si Silas ay itinapon sa bilanggan. Malupit ang mga bantay sa kanila, kahit wala naman silang ginawang mali. Gayun pa man, noong pinalaya sila ng Diyos, hindi sila gumanti sa mga bantay, bagkus ay nahabag sila sa kanila, dinala ang bantay at ang kanyan buong pamilya tungo sa Panginoon! Pwedeng sisihin nila Pablo at Silas ang bantay para sa kasamaang ginawa sa kanila, pero naalala nila na ang kanilang paglaban ay tungo sa dyablo at hindi tungo sa tao.

Tandaan na dapat nating suotin ang Kutamaya ng Diyos, upang labanan ang espiritwal na kadiliman at hindi ang ating mga kapwa tao!

"Pilipili kong lumaban sa kaaway, at hindi sa mga taong nakapaligid sa akin."

Mga Tanong:

1. Anong kahulugan ng mga salitang ito? "kapangyarihan, awtoridad, at kapangyarihan, na namumuno sa sanlibutan ng kadiliman at masamang espiritwal na puwersa." Efeso 6:12

2. Ano ang ilang mga halimbawa na tayo ay nakikipaglaban sa mga tao kaysa sa mundo ng kadiliman?

3. Bakit nais ng Diyos na malaman natin ang Kutamaya ng Diyos?

4. Anong masakit na karanasan ang nangyari kila Pablo at Silas bago sila itinapos sa bilangguan?

5. Ano ang sagot sa katanungan ng bantay, “Anong aking gagawin upang maligtas?”

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/