Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 10 NG 10

Magdasal ng Walang Tigil

Kuwento sa Biblia- Nakatakas si Pedro sa bilangguan "Acts 12:1-19"

Ang panalangin ang ikalawang sandata na maaari nating gamitin panlaban sa kaaway. Magagamit din itong proteksyon. Sa pananalangin ay maaari tayong lumaban sa digmaan, makatanggap ng karunungan mula sa Panginoon kung paano magpatuloy, magpakawala ng mga anghel sa kalangitan upang lumaban para sa atin, at maunawaang mabuti kung ano ang kinakalaban natin.

Sa kuwento ng Biblia nating ngayon, makikita natin di Pedro sa loob ng bilangguan habang ang buong simbahan ay nananalangin para sa kanya. Habang sila ay nananalangin, nagsugo ang Diyos ng anghel sa loob ng bilangguan upang palayain si Pedro. Ginabayan siya ng anghel palabas sa bilangguan, sa lansangan at si Pedro ay bumalik sa tahanan ng mga kapatid na lalaki at babae kay Kristo ay nananalangin. Hindi man lang nila nabuksan ang pinto dahil hindi sila makapaniwala na siya si Pedro!

Nananalangin sila para sa kanyang kaligtasan, ngunit sila ay nagulat nang ito ay natupad. Maraming beses, ikaw at ako ay nananalangin at nagugulat kapag ito ay sinagot ng Diyos at tinulungan tayo. Hinihiling Niya na manalangin tayo at nangakong tutulungan Niya tayo. Ito ay isang bahagi ng baluti na kailangan maaaring gawin arawaraw kung nais mo itong gamitin araw-araw. Binabago ng panalangin ang maraming.

Patuloy na manalangin sa labanan dahil kailangan natin ito sa pakikipagbaka lalo na ngayon.

"Pinipili kong palaging manalangin, tinatandaan na ang digmaan ay espirituwal."

Mga Tanong:

1. Bakit kabilang ang panalangin sa "Baluti ng Diyos"?

2. Ano ang halimbawa ng panalangin upang maipagtanggol laban sa kaaway at ano ang halimbawa ng panalangin upang sumalakay sa kaaway?

3. Kung nasa kontrol ng Diyos ang lahat ng bagay, bakit niya tayo hinilingang manalangin sa Kanya kung alam na din naman Niya kung ano ang mangyayari?

4. Ano ang dalawang sandata na pang-atake na maarin nating gamitin?

5. Sino ang dumating sa pintuan nang kumatok si Pedro sa bahay ni Maria?

Ang plano sa pagbabasa na ito ay kinuha mula sa kurikulum na pambata ng Equip & Grow, na tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa. Tamasahin ang planong ito sa bahay, at pagkatapos ay gawin ang buong kurikulum sa simbahan gamit ang mga aklat, laro, gawain, kanta, dekorasyon, at marami pa!

https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/

Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/