Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 6 NG 10

Sapin sa paa ng Ebanghelyo ng Kapayapaan

Kwento sa Biblia – Si Felipe at ang taga-Ethiopia "Mga Gawa 8:26-40"

Panahon na upang isuot ang ating mga sapin sa paa upang tayo ay handang umalis! Nangagahulugan ito na handa nating ibahagi ang ebanghelyo, o handang sumunod sa anumang sandali, o handang GAWIN ang tama.

Ang isinusuot natin sa ating mga paa ang magtatakda ng ating katatagan at ng ating kahandaang kumilos. Kung ano ang sapin sa paa na ating isinusuot ay makakaapekto sa kung gaano kalayo ang ating malalakad o matatakbo ng komportable. Ang maling pagpili ng sapin sa paa ay maaaring magpilay sa atin, magpabagal sa atin at mag-alis sa atin sa hanay ng martsa. Ang sundalong walang sapin sa paa ay maaaring mapasakaguluhan. Isa sa mga huling bagay na kailangan nating alalahanin ay kung saan tayo hahakbang habang nasa digmaan. Ang sapin sa paa ay nagdudulot sa ating makahakbang ng malaya at walang takot habang itinutuon natin ang ating buong atensyon sa nalalapit na digmaan. Ang katawan ni Kristo ay ipinadala upang ipahayag ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos, na magpapalaganap ng Kanyang daan ng kapayapaan sa buong mundo. Kung mayroon tayong sapin sa paa, handa tayong kumilos, upang ipalaganap ang mabuting balita sa iba.

Ang kuwento hinggil kay Felipe mula sa aklat ng Mga Gawa ay isang kahanga-hangang salaysay ng isang taong handang ipahayag ang ebanghelyo. Mula sa kung saan isang anghel ang nagsabi sa kanyang bumangon at humayo, binigyan siya ng tiyak na direksiyon ng lansangan sa lungsod. Nang siya ay dumating, sinabihan siya ng Panginoon na tumakbo tungo sa isang sasakyan. Tinanong ni Felipe ang lalaki kung nauunawaan ba niya ang kanyang binabasa, inanyayahan siya nitong pumasok sa loob ng sasakyan, at ipinagpatuloy ang pagbahagi ng ebanghelyo. Ang taga-Etiopia ay nagpasyang piliin si Kristo at itinigil ang sasakyan upang mabautismuhan doon din mismo! Binautismuhan siya ni Felipe, ngunit nang umahon sila mula sa tubig, si Felipe ay naglaho! Dinala ng Espiritu ng Panginoon si Felipe sa ibang lugar upang ipagpatuloy ang pagpapahayag ng ebanghelyo.

Anong kamangha-manghang kuwento ng isang taong laan at handang humayo at ibahagi ang ebanghelyo!

"Pinipili kong magkaroon ng mainam na ugnayan sa Diyos at maging handang paglingkuran Siya palagi."

Mga Tanong:

1. Sa anong situwasyon mo kailangang agad ibahagi ang Ebanghelyo, nang walang paunang paghahanda?

2. Anong paksa ang iyong ituturo kung kailangan mong pangunahan ang klase nang hindi ka napagsabihan?

3.Ano ang ebanghelyo ng “KAPAYAPAAN” kumpara sa ebanghelyo ng takot?

4. Ano ang itinanong ng taga-Etiopia kay Felipe?

5. Nang makakita ang taga-Etiopia ng tubig, ano ang kanyang hiniling?

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/