Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa
Bigkis ng Katotohanan
Kuwento sa Biblia – Si Ananias and Sapphira "Mga Gawa 5:1-10"
Ang unang piraso ng Kutamaya na binanggit sa Efeso kapitulo 6 ay ang bigkis ng katotohanan, isang bagay na itinatali palibot sa baywang ng isang sundalo na siyang hahawak sa buong Kutamaya. Ang bigkis ang siyang hahawak sa kutamaya ng sundalo, tatangan sa tabak sa lugar, at isang bagay na hindi huhubarin ng sundalo. Sa katunayan, kung walang bigkis ng katotohanan ang isang sundalo, siguro, kahit ang kanilang kasuotan ay malalaglag, at mapapahiya sila sa harapan ng lahat!
Isang bahagi ng katotohanan ay ang kung ano ang lumalabas sa iyong bibig. Kailangan nating maging mga Kristiyanong nagsasalita lamang ng katotohanan, hindi nagsisinungaling sa ating mga magulang o sa Diyos. Ngunit isa pang bahagi ng bigkis ng katotohanan ay ang piliin nating maniwalag sa Diyos at sa Kanyang Salita. Ang katotohanang ang ating kaaway, ang dyablo, ay palaging nagsisinungaling at minamanipula tayo sa paniniwala sa mga bagay na hindi totoo.
Sa kwentong Biblya ngayong araw, si Ananias at Sapphira ay nagsinungaling at hindi naging tapat sa mga disipulo. Nagkuwari sila na ipinagbili nila ang kanilang ariarian para sa halaga na mas mababa kaysa sa kanilang natanggap. Naniwala sila sa kaaway na nagpaisip sa kanila na hindi makikita ng Diyos o hindi malalaman ang detalye ng kanilang pagbenta. Ngunit, nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay. Ang mga disipulo ay kinatawan ng Diyos. Dahil nagsinungaling sila sa mga disipulo, nagsinungaling din sila sa Diyos. Itinago nila ang katotohanan sa kanilang pagbenta dahil nais nilang maniwala sa mga kasinungalingang ibinulong ng dyablo sa kanilang mga tainga.
Anong mga kasinungalingan ang iyong pinaniwalaan na maaaring makapagpalaglag ng iyong kutamaya?
Mahalaga ba na lagi nating suotin ang bigkis ng katotohanan sa laging pagsasabi ng totoo at laging naniniwala sa katotohanan tungkol sa Diyos at Kanyang Salita?
"Pinipili kong mamuhay nang tapat."
Mga Tanong:
1. Kung hindi ka matapat, anong nangyayari sa bigkis ng katotohanan? Makakaapekto ba ito sa ibang bahagi ng kutamaya?
2. Anong tiyak na sitwasyon kung saan hindi ka “nagsisinungaling” pero hindi ka rin nagiging “tapat”?
3. Anong ang bunga ng pagsisinungaling?
4. Paano ikinwento nina Ananias at Sapphira ang parehong kwento tungkol sa kanilang pagbenta ng kanilang ari-arian kahit na 3 oras na magkahiwalay silang nakipag-usap kay Pedro?
5. Kanino nagsinungaling sina Ananias at Sapphira? Kapag nagsisinungaling ang mga tao ngayon, kanino sila nagsisinungaling?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/