Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 7 NG 10

Kalasag ng pananampalataya

Kuwentong Biblia - Si Pablo at ang nawasak na daong - "Mga Gawa 27:21-37, 28:1"

Ngayon ay matututunan natin ang tungkol sa kalasag ng pananampalataya, isang matinding sandata para sa proteksyon dahil maigagalaw natin ito at masasalagan ang ating mga sarili mula sa mga tiyak na atake.

Sinasabi ng Biblia na magagamit natin ito ang mga nagliliyab na suligi ng masamang isa. Hindi nito sinasabi na "kung" dumating ang mga suligi kundi "pagka" ang mga ito ay dumating, hindi tayo magiging mahina laban dito. Ang katotohanan ay walang tigil tayong inaatake ng kaaway. Nais kang gambalain at gitlain ng iyong kaaway sa pamamagitan ng mga nagliliyab na suligi. Idinesenyo niya ang kanyang estratehiya partikular para sa iyo. Pinag-aralan niya ang iyong mga gawi, ang iyong mga pinakakinatatakutan at mga kahinaan and weaknesses, at pinupuntirya ng kanyang mga suligi ang mga iyon sa partikular.

Ang pananampalataya ay ang maniwala sa Diyos at sa Kanyang mga salita, kahit na hindi natin nakikita ang Kanyang espirituwal na kaharian. Alam natin na umiiral ang Diyos kahit na hindi natin Siya nakikita, at iyon ang pananampalataya sa ating mga puso. Habang tayo ay may pananampalataya, maaari nating matalo ang mga direktang atake ng kaaway.

Sa kuwento ng Biblia ngayon mula sa aklat ng Mga Gawa, Si Pablo ay nasa dagat sa gitna ng katakot-takot na bagyo, at sinabi ng Diyos sa kanya na walang nakalulan sa bangka ang mamamatay mula sa bagyo! Pinili ni Pablo na maniwalang nagsalita sa kanya ang Diyos, kahit na hindi niya Siya nakikita. Nakakatuwang makita na pagkatapos ay sinabi ni Pablo sa lahat kung ano ang sinabi ng Diyos, at pinakain sila ng maraming pagkain para lumakas. Hindi lamang pinaniwalaan ni Pablo ang Diyos, kundi laan siyang hayagang ibahagi ang mensahe ng Diyos sa iba at gawin ang mensahe! Maaaring labis siyang mapahiya kung may taong mamamatay sa nawasak na daong. Minsan kailangan din nating maging hayag sa salita ng Diyos, pinananampalatayanan Siya sa halip na ang tao.

Kukunin mo ba ang iyong kalasag ng pananampalataya sa pamamagitan ng pagiging sigurado mo sa kung ano ang hindi mo nakikita? Ito ang magpapanalo sa iyo laban sa kaaway at magpapatay ng kanyang mga nagliliyab na suligi!

"Pinipili kong maniwala sa Diyos at magkaroon ng pananampalataya"

Mga Tanong:

1. Sa tunay na buhay, ano ang “mga nagliliyab na suligi ng masamang isa?”

2. Ano ang partikular na halimbawa ng paraan kung paano mo mapapalihis ang isang suligi gamit ang iyong kalasag ng pananampalataya sa normal na buhay?

3. Ano ang ginagawa mo upang masiguro na hindi ka aalis ng bahay nang walang ang iyong pananampalataya?

4. Sa ating kuwentong Biblia ngayon, saan patungo si Pablo nung siya ay nasa daong? Ilang tao ang nasa daong?

5. Paano nalaman ni Pablo na masisira ang daong ngunit walang ni isa ang mamamatay dahil sa bagyo?

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/