Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 5 NG 10

Baluti ng Katuwiran

Kuwento sa Biblia – Si Cornelius "Mga Gawa 10:9-23 '

Ang susunod na bahagi ng Kutamaya ng Diyos sa Efeso kapitulo 6 ay ang baluti ng katuwiran. Ang katuwiran ay pagpapakita ng makadiyos na ugali, o paggawa ng tama, mabuti at tapat. Ang kumilos na patuloy na gumagawa nng tama sa harapan ng Panginoon ang nagpapanatili ng ating baluti ng katuwiran sa lugar. Hinihiling ng Diyos sa atin na maging marunong at gawin ang tama. Kapag ginawa natin, nakasisigurong nakasuot sa atin ang baluti, at mapoproktektahan ang ating puso habang nasa digmaan.

Mayroong isang bagay na napakahalaga sa baluti, tinatakpan nito ang ating puso at mga mahalagang organ, pero sa harap lang. Kapag suot natin ito, pwede tayong masugatan pero makakatayo pa rin at makakapagpatuloy. Gayunpaman, kailangan nating harapin ang labanan dahil tinatakpan lang ng baluti ang ating harap. Hindi tayo nito mapoprotektahan kung tayo ay tatalikod, tatakbo sa pag-atras.

Ano ang maka-Diyos na ugali at katuwiran? Paano natin malalaman na mayroon tayo nito? Sinasabi ng Biblia na si Cornelius ay isang matalino at may-takot sa Diyos na tao na mapagbigay at nananalangin palagi. Sinasabi din ng Biblia na iginagalang siya ng lahat ng mga Hudyo. Makikilala ka ng ibang tao kapag ikaw ay matuwid, sapagkat sa oras ay malinaw na nakikita. Si Cornelius ay nagkaroon ng kanyang baluti ng katuwiran. Sa panahong iyon, labag sa batas para sa mga Hudyo na makisalamuha sa mga Gentil o bisitahin rin sila. (Mga Gawa 10:28) Nagpadala ang Diyos nagpadala kay Pedro ng isang pangitain upang siya ay makapagbahagi ng ebanghelyo kay Cornelius.

Sapagkat si Cornelius ay isang makadiyos na tao, nagpadala ang Diyos (kahit labag sa batas) upang mailigtas siya at ang kanyang buong pamilya!

"Pinipili kong laging gawin ang tamang bagay."

Mga Tanong:

1. Sa anong mga sitwasyon ng iyong buhay naipakita mo na mayroon kang baluti ng katuwiran at kung saang mga sitwasyon hindi?

2. Ipaliwanag kung paano ang katuwiran ay pwedeng maging peke.

3. Sa anong mga sitwasyon ang pinili mong gawin wala sa halip na mapahiya?

4. Kaninong bahay ang pinuntahan ni Pedro? Bakit hindi pangkaraniwan ito?

5. Sa anong mga paraan naiiba si Cornelius kaysa sa iba pang mga kalalakihan sa lugar?

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/