Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 9 NG 10

Tabak ng Espiritu

Kuwento sa Biblia- Nagsalita si Pedro sa maraming tao "Mga Gawa 2:12-17, 22-30, 34-41"

Ang tabak ng Espiritu ang unang bahagi ng baluti na sandata sa halip na pangdepensa. Nangangahulugan ito na puwede tayong sumalakay sa kaaway. Ang tabak ng Espiritu ay ang Biblia, o ang Salita ng Diyos.

Upang magamit mo ang itong tabak sa labanan, kailangan mong malaman ang Kasulatan. Nangangahulugan ito na kailangan mong basahin ang buong Biblia nang paulit-ulit at isaulo rin ang mga bersikulo.

Sa tunay na kuwento ngayon mula sa aklat ng Mga Gawa, ginamit ni Pedro ang Kasulatan habang nangangaral siya sa mga tao. May mga tao roon na hindi naniniwala sa Diyos at sinimulan siyang kutyain. Si Pedro ay tumayo at nagsalita sa mga nangungutya; hindi lamang siya nangaral sa kanila kundi ginamit niya ang Kasulatan upang lumaban.

Kapag kabisado natin ang Kasulatan, maaari natin itong gamitin sa buhay kung kinakailangan.

Sa araw na iyon tatlong libong tao ang naligtas at nakiisa sa simbahan dahil sa pangaral ni Pedro ng Salita ng Diyos. Anong pagpapala! Ginamit ni Pedro ang kanyang tabak nang may kahusayan dahil kabisado niya ang bersikulo na para sa kanyang partikular na situwasyon. Nilabanan niya ang kay nang may kahusayan at matatagpuan niya ang 3000 na tao para sa Panginoon! Mas marami lang alam na bersikulo, mas magiging mahusay ka sa iyong tabak.

Kapag binabasa natin ang Biblia at kinakabisado ito, ilalagay ito ng Diyos sa iyong isipan sa sandaling kailanganin natin ito. Kumusta ang iyong paggamit sa tabak?

"Pinipili kong matutunan ang Salita ng Diyos at gamitin ito sa pang-araw-araw na buhay."

Mga Tanong:

1. Kailan ka pwede sumalakay sa kaaway?

2. Ano ang halimbawa ng pag-atake gamit ang tabak sa tunay buhay?

3. Paano nagagamit ng mali ang tabak ng Espiritu?

4. Ilang tao ang naging Kristiyano dahil sa sinabi ni Pedro sa Herusalem noong araw ng pentekostes?

5. Ano ang ginawa ng mga bagong Kristiyano upang ipakita na susundan na nila si Kristo?

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/