Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 8 NG 10

Turbante ng Kaligtasan

Kuwento sa Biblia - Ang pagbaling ni Pablo "Mga Gawa 9:1-19"

Napakahalaga na suotin natin ang turbante ng kaligtasan dahil nakamamatay kung mahahampas tayo sa ulo.

Paano natin masisiguro na suot natin ating turbante? Nilinaw ng Biblia na ang ating kaligtasan ay nakabatay sa natapos na gawain ni Hesu-Kristo sa krus. Nang Siya ay namatay para sa ating mga kasalanan, nagbayad siya ng halaga at binili ang ating kaligtasan!

Hindi tayo makakapunta sa langit sa pamamagitan ng mabubuting gawa, kundi sa pamamagitan lamang ng pagtitiwala kay Hesu-Kristo, tayo ay maliligtas.

Hindi natin kailangan magkaroon ng seremonya sa panalangin araw-araw upang isuot ang ating turbante ng kaligtasan. Kung magtitiwala tayo sa Panginoong Hesu-Kristo para sa ating kaligtasan magkagayon ay suot natin ang ating turbante!

Ang Diyos ay nagpakita kay Pablo sa isang mahimalang paraan sa kuwentong Biblia ngayong araw mula sa aklat ng Mga Gawa. Si Saulo na naging si Pablo, ay nililibak ang mga Kristiyano at inuusig sila. Isang araw sa daan patungong Damasco, si Hesus ay nagpakitang bigla kay Pablo sa liwanag na sumilay mula sa langit at si Saulo ay napasubasob sa lupa at nabulag. Pagkalipas ng tatlong araw, nagpadala ang Diyos ng isang Kristiyano upang pagalingin siya at dalhin siya kay Kristo. Nang linggo ding iyon ay sumampalataya si Saulo kay Hesus at naligtas! Maari mong suotin ang turbante ng kaligtasan ngayon gaya ni Pablo kung ikaw ay mananalangin at sasampalataya sa Panginoong Hes-Kristo para sa iyong kaligtasan.

Manalangin tayo, "Minamahal na Hesus, inaamin ko ngayon na ako ay isanh makasalanan at nakagawa nh pagkakamali. Nananampalataya ako na ikaw ay namatay sa krus para sa aking mga kasalanan at na Ikaw ay tunay.

Tinatanggap kita ngayon sa aking puso bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Salamat sa pagtanggap sa akin, pagmamahal sa akin, at sa pagbigay sa akin ng buhay na walang hanggan kasama ka sa langit!"

"Pinipili kong magtiwala sa Panginoong Hesu-Kristo para sa aking kaligtasan."

Mga Tanong:

1. Maaari ka bang maging tiyak sa iyong kaligtasan?

2. Sa tingin mo ba ay maiwawala mo ang iyong kaligtasan?

3. Anong nangyari kay Saulo habang nakasakay siya sa kanyang kabayo tungo sa bayan ng Damasco?

4. Ano ang sinabi ng Diyos kay Ananias na taga-Damasco?

5. Ano ang sinabi ni Ananias sa Diyos? Ano ang mangyayari kung magrereklamo tayo sa Diyos?

Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/