Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa
Panindigan mo ang iyong pwesto
Kuwento sa Biblia – Kamatayan ni Esteban "Mga Gawa 6:8-15, 7:51-60"
Habang inaaral natin ang Kutamaya ng Diyos at ang aklat ng Mga Gawa, mahalagang malaman natin na isinusot natin ang Kutamaya ng Diyos habang isinasabuhay ito. Hindi ka maaaring manalangin na suotin ang bigkis ng katotohanan. Habang nagsasabi ka ng totoo, at naniniwala sa katotohanan ng Diyos sa loob ng iyong puso, ang iyong bigkis ng katotohanan ay suot mo na. Ni manalangin na buhatin ang kalasag ng pananampalataya. Kung nabubuhay ka na may pananampalataya, naniniwala sa mga sinasabi ng Diyos at hindi sa sinasabi ng mga tao, meron ka nang kalasag ng pananampalataya sa iyong kamay at ginagamit mo ito panangga laban sa kaaway. Ang prinsipyong ito ay parehas para sa iyong paninindigan. Hindi ka pwedeng manalangin ng mga tiyak na parirala ng panalangin para manindigan. Kung nananampalataya ka sa Diyos at hindi sumusuko, ikaw ay naninindigan.
Si Esteban ay isang dakilang halimbawa para sa aitn sa kwentong Biblia ngayong araw mula sa aklat ng Mga Gawa. Siya ay matuwid at marunong na tao, na patuloy na sumusuot sa kanyang kutamaya. Nang sumiklab ang relihiyosong pagsalungat laban sa kanya, matatag siyang nanindigan sa kanyang pananampalataya, kahit na nangangahulugan ito ng tiyak na kamatayan para sa kanya.
Lubhang nagagalit ang mga relihiyosong namumuno sa kanya dahil sa pagpapahayag niya tungkol kay Hesus at pinukaw nila ang madla tungo sa karahasan at kalaunan ay ang pagbato kay Esteban hanggang kamatayan. Sa buong kasaysayan ng Biblia, matatag na nanindigan si Esteban sa kanyang pananampalataya, at hindi nagbago ang kanyang opinyon base sa opiniyon ng masa.
Kung nananampalataya ka sa Diyos at laan para magdusa dahil dito, ikaw ay naninindigan, at matatag na nakatayo habang nakasuot ng buong Kutamaya ng Diyos!
"Pinipili kong matatag na minindigan."
Mga Tanong:
1. Ano ang mga mataas at mababang sitwasyon sa buhay ng tao?
2. Kailan natin kailangang manindigan laban kay Satanas?
3. Anong pinakamahalagang gawin para matatag na makapanindigan tayo?
4. Sino ang kinilalang may mukhang gaya ng anghel noong siya ay maling inakusahan?
5. Anong kanyang sinabi bago mamatay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Kristi Krauss ay tumitingin sa mga bayani mula sa aklat ng Mga Gawa.
More
Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/